7 years over 2 weeks: Ang viral 'My 欧博abgMari

文章正文
发布时间:2025-02-20 06:31

7 years over 2 weeks: Ang viral 'My Marilag' cheating issue sa socmed

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pang-e-expose ng isang netizen sa panloloko sa kanya ng longtime ex-boyfriend na ipinagpalit ang 7 years over 2 weeks.

Sa kanyang Facebook page ay inilabas ni Abigail Sobreo kung paano nauwi sa hiwalayan ang pitong taong relasyon nila ng dating kasintahan.

Kalakip ng kanyang kuwento ay ang mga screenshots o mga “resibo” niya na nagpapatunay ng pangloloko ng kanyang dating karelasyon.

Chika Pa More

Ang Bandang Shirley nag-disband na dahil sa isang isyu, anyare?

Brokenhearted camper sinapak ng staff dahil sa pagmumura

Misis buking na nakipag-sex si mister sa masahista: Buntis ako nu’n!

“7 years over 2 weeks (daw). Hindi ko ineexpect na hahantong tayo sa gantong sitwasyon. Yung dadating sa point na yung kinakatakot kong mangyare and inaakala kong hinding hindi mo magagawa sakin is nagawa mo,” saad ni Abigail.

Pagpapatuloy niya, “Yung mga hinala ko sayo sinabi mo sakin na hindi lahat totoo yon na ‘wala lang yon. Pero hindi pala, dahil simula nung binigyan mo ko ng dahilan para mag selos at maghinala sa inyong dalawa. Mas lalong akong hindi napanatag.”

Baka Bet Mo: Anthony, Maris ‘naghigupan’; madaling napatawad sa cheating scandal

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagsimula raw ang kanyang pagdududa nang makita niya ang TikTok video ng dating dyowa at co-teacher nito na nagsasayaw.

Nag-reach out siya sa boyfriend ng co-teacher ng kanyang dyowa na maayos naman nilang napag-usapan. Humingi pa nga ng sorry ang co-teacher kay Abigail dahil sa pangyayari at in-assure ito na wala siyang dapat ipagselos o ikagalit dahil mahal siya ng kanyang boyfriend.

Sinuyo pa nga siya ng kanyang boyfriend matapos ang hiningi niyang space. Naging maayos pa nga ang kanilang relasyon.

Ngunit nagkaroon pa raw ng parinigan sa TikTok mula sa mga kaibigan ng co-teacher ng dyowa dati ni Abigail.

Nagkatalakan sila sa messenger ngunit kalaunan ay naging maayos naman daw ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Noong sumapit naman ang monthsary nina Abigail at ng dyowa nitong si Nathan ay imbes na mag-celebrate ay nag-away pa sila. Nauwi sa paghingi ng space ang kanilang awayan.

Ngunit habang pinagbibigyan pala niya ang dating dyowa ay nakikipag-usap na pala ito sa kanyang co-teacher at ang tawagan pa ng dalawa ay “boss”.

Ang malala pa nga ay pinapangkas pa ng dati niyang dyowa ang co-teacher sa motor na si Abigail raw ang nagbayad at nagpapalitan na rin daw ang dalawa ng “i love you” sa chat.

Sa huling bahagi ng ng kanyang post ay bagamat may panghihinayang sa tagal ng kanilang pagsasama na nauwi sa hiwalayan ay thankful siya dahil tinanggal imna ito sa kanyang buhay.

“Buti nalang tinanggal ka narin ni Lord sa buhay ko, dahil ang hirap sigurong pakisamahan yung taong harap harapang kayang sabihin na mahal ako at ako parin yung gustong pakasalan at maging ina kamo ng magiging anak mo, pero may ka-iloveyou-han na palang iba.

HINDI AKO ANG NAWALAN, HINDI KO DESERVE ‘TO HINDI KO PANG HIHINAYANGAN YUNG PINAG SAMAHAN NATIN NG 7 YEARS,” sey ni Abigail.

Marami naman sa mga netizens ang nanggigil at nag-comment sa naturang viral post.

“nakakalungkot! pero hndi mo deserve yan! kaya mo yan be,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “face reveal po ng girl baka makaagaw pa ng iba.”

Your subscription could not be saved. Please try again.

Your subscription has been successful.

“Naturingang mga teacher huhu ano manlang yung maayos na nakipaghiwalay. Siguro naman deserve mo yun kasi hindi biro ang 7 years,” sey naman ng isa.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 180k shares na ang post ni Abigail.

首页
评论
分享
Top