Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme). Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.
Kayarian ng salita[baguhin | ]
May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:
payak - salitang-ugatin
maylapi - salitang-ugat at may panlapi
inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan
Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito[baguhin | ]
Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensiyon, takaw-pansin, agaw-eksena
Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
Balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig
Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Morpolohiya_(lingguwistika)&oldid=2137945"
Kategorya:
Nakatagong kategorya: