Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices).
Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo.
Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya. Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala, pinalitan na ang dating mga barangay at mang mga namumuno sa Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino ang namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng namumuno sa mga simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito. Sila na ang nakapangyayari sa halip na ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng edukasyon ng mga bata na nagsisimulang magsipag- aral sa mga kumbento.
Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.
Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga pagdadala ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada, libro atbp.
Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang korido. Hindi lamang panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika, ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa pook na kanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang naging guro.
Maaaring mahati ang mga paksain noong panahon ng Kastila
sa (1) Panahon ng Panitikang Pansimbaha
na kinabibilangan ng mga dalit, nobena,
buhay- buhay ng mga santo’t santa, mga
sulang pansimbahan, sermon at mga
nauukol sa kagandahang- asal at (2) Panahon ng Awit at Korido na
kinabibilangan ng mga awit at korido,
mga tulang pandamdamin, mga tuluyan at gayon din ng mga dulang pawang pang-aliw.
1.) Panahon ng Panitikang Pansimbahan
Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyon kaya ang unang panahon ng pananakop ay pagpapalaganap ng panitikang pansimbahan at kagandahang-asal.
A. Dalit
Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at Mindoro. GInaganap ito tuwing Mayo. Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata hanggang dinadalit ang pagpuri sa Mahal na Birhen. Sa mga lalawigang nabanggit nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa mga namumuno. Marami- rami pa ring matatanda ang nakakasaila ng mga sinasabi ng namumuno bagama’t hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit.
B. Mga Nobena
Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa mga yumao na.
Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi.
C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa
Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay- buhay ng mga santo’t santa para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang- diing nasa pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit amg mga tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa. Mabibilang ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit ng Panginoong Jesucristo upang matubos ang tao sa pagkakasala.
D. Akdang Pangmagandang- asal.
Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng kagandahang- asal, mabuting pakikipamuhay sa kapuwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa nakatatanda at iba pa.
Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni Pagre Modesto de Casto na Urbana at Feliza. Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila si Urbana at siyaang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto ng mga nararapat gawin sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang pook.
2.) Pahahon ng Awit at Korido
Tulad ng nabanggit na, nahahati sa apat na bahagi ang panahong ito: (a) Awit at Korido (b) tulang pang-aliw, (c) tuluyang pang-aliw at (d) dulang pang-aliw.
a.) Awit at Korido (Metrical Romance)
Katuringan
Batay sa anyo, ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod sa isang taludturan. Ang musika’y madalang o andante. Ang paksa’y tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
Ang korido naman, batay kay dela Costa’y “romansa o harak que al suela accompanar con la gitara alson el fandango…” (awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng gitara katulad ng pandaggo). Ayon kay Trinidad Pardo de Taverra nama’y ang “corrido” ay binalbal na salitang Mexicano na buhat sa occurido (isang pangyayaring nagganap). Ang paksa nito’y pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang musika nito’y mabilis o allegro. Ang sukat sa loob ng taludtod ay walong pantig.
Sa Pilipinas, ang mga korido’y hinggil sa mga alamat at di- kapanipaniwalang kasaysayan na ang buod ng paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europa. Karaniwang nasasaling-bibig lamang at hindi batid kung sino ang may- akda. Ang kilalang manunulat nito’y sina Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), Ananias Zorilla at Francisco Balagtas. Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas, Pitong Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at Haring Patay.
Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tinoso, Ang Ibong Adarna, Ang Dama Ines at Prinsipe Florinio ni Ananias Zorilla at Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz.
Tula
Ladino- mga tulang halong Kastila at Tagalog ang wika.
Sa panahong ito ng mga dalit at salmos nagsisulat ang mga prayle at sa kanilang mga sinulat ay makikita ang katibayan ng pagpapalaganap nila ng kanilang wika bukod pa sa pagpapalaganap ng relihiyon. Ang mga dalit nila’y wawaluhing pantig.
Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunugna ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas at Ibong Adarna . Sa may paksang relihiyon ang Pasyon ang nangunguna.
Ang Dula at Dulaan
Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong panahon ng Kastila, mahahati ito sa tahanan, sa labasan at sa tiyak na entablado.
1.) sa tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamamanhikan
2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, tibag, santakrusan, moriones at hugas- kalawang.
3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro, carilyo, senakulo at sarsuwela.
PUMUNTA SA:
Panahon ng Katutubo
Panahon ng Kastila
Panahon ng Propaganda
Panahon ng Himagsikan
Panahon ng Hapon
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Republika
Panahon ng Bagong Lipunan